Monday, November 2, 2009

NATIONALISMO

Ano nga ba ang nationalismo? Tungkol saan ba ito? At mahalaga ba ang nationalismo?

Madalas natin marinig ang salitang “Nationalismo”, napag-aaralan sa eskwelahan, naririnig sa kwentuhan sa bayan, at lalo na kapag buwan ng Agosto. Ngunit kung ating mamarapatin, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng nationalismo? Tungkol saan at ano ang halaga nito sa bawat mamamayang Pilipino? Hindi linggid sa ating kaalaman na ang Nationalismo ay ang kakaibang pagmamahal sa bayan.

Nationalismo, yan ang hindi alam ng mga tao . Kasi kung tatanungin mo sila maraming hindi nakakaalam dito. Nagtanong na wala pang nakakasagot sa tingin ko. Sa tingin ninyo may nakasagot na nitog tanong na ito ah. Sa tingin ko nasagot na ito pero di lang alam ng mga tao na nasagot na nila ito.

Ahhh. Teka lang parang kilala ko na ang unang nakasagot at nagkaroon ng pagmamahal sa bayan. Walang iba kundi sina dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino at an dating pangulong Corazon “Cory” Aquino na siyang tinaguriang ama at ina ng demokrasya ng bansa. Alam naman natin na namatay sila ng may pagmamahal sa ating bansa at ginawa nila lahat ng makakaya nila upang makamtan ang demokrasya ng ating inang bayan,

Nationalismo parang isang pamliya lang ito. Dito pag hindi nagmahalan ang bawat miyembro ng pamilya ay hindi sila magiging mabuti at maayos. Ganon din naman ang nationalismo pag hindi nagkasuno at minahal ng mga tao ang bansa hindi ito uunlad at makakabangon. Sa ngayon dapat meron tayong ganito kaso alam natin na hinagupit tayo ng dalwang bagyo. Kaya dapat magkaron tayo ng nationalismo o bayanihan sa isa’t isa.

1 comment: