Monday, November 2, 2009

LIHAM PANGKAIBIGAN

14 Buna Malaki, Kaytambog
Indang, Cavite
Oktubre 22, 2009

Mga minamahal kong kamag - aral,

Magandang Umaga!. Tila kay bilis ng panahon para sa ating lahat. Apat na taon ang nakalilipas ng huli tayong nagkita-kita at nabuo. Kamusta na kayo? Alam niyo ba na sa tuwing maaalala ko ang mga panahong nagtatawanan tayo, mga kakulitan ng Phengee Dept, kakwelahan ni Brian Limbo, at mga biglang gala natin, di ko mapigilan ang sarili ko sa lungkot na aking nadarama.

Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, sumulat ako upang ipabatid na magkakaroon tayo ng isang pagtitipon. Sa wakas, mabubuo na naman ang barkada para sa isang gabi ng tawanan at kainan. Inaasahan ko ang inyong malugod na pagdalo sa aking inbitasyon. Ang lugar ng nasabing pagtitipon at iba pang mga detalye ay hindi tiyak. Ating bibigyang pansin pa lamang ito sa gaganaping pagpupulong sa makalawa. Muli, inaasahan ko ang inyong pagdalo mga kaklase. Para sa mga karagdaragang impormasyon, maaari ninyo ako kapanayamin sa numero sa ibaba.

(046) 415 - 0342

0917 - 353 - 2452

No comments:

Post a Comment

Post a Comment